Alam mo, nabusog ako nong sinabi kong
Baliw lang naiisip ang mukha ng
kanilang gusto
Dahil kinain ko ang ang aking bawat
salita.
At alam mo bang para kang turnilyong
Dahang-dahang bumabaon sa puso ko
Habag paikot ka sa aking isip.
At ang kinang nang iyong mata
Ay higit pa sa ningning ng sandaang
bituin
At sa bawat mong pagtitig
Ay ako'y unti-unting nalulusaw.
Ngunit anong magagawa ko?
Hindi ko kayang ipagsigawan
Ang aking nararamdaman
Kaya kinukuntento ko ang aking sarili
Sa ating munting kwentuhan,
Minsan-minsang batiin
At marahil, panandaliang pagkakaibigan.
Maalala mo ba ako
Ngayon na tayo'y magkalayo?
Pagkat ako, habang sinusulat ko ang
tulang ito
Mukha mo ang nakapinta sa isipan ko.
Isinulat ko ang tulang ito sa waiting area ng Pier 4 ng Cebu Port habang nasa isip ko ang isang taong hinding-hindi ko papangalanan. Shet ka naman oh. Kung kailan dapat maging normal ang buhay ko, saka naman maitatattoo ang mukha mo sa isip ko. Kainis ka!




