1home photo 1header_zpsed0b7307.jpg2waley photo 2wala_zpsdf8324dc.jpg3poetry photo 3poetry_zpsa5347575.jpg4ss photo 4ss_zpsd3ad294a.jpg photo 5art_zpsb4cb4fe7.jpg

8.12.2012

Lunod

Saan nga ba huhugutin
Ang mga salitang dapat sabihin
Kung ang dila'y umuurong
At puso'y tumitirik?
Patuloy na nga lang ba
Akong mangangapa
Habang tinitimbang ko
Ang lakas ng aking damdamin
Sa kawalan ko ng lakas ng loob
Para umamin?
Patuloy na lamang ba akong
Maghihintay
Sa pagkakataon na
Maari namang wala?
Urong-sulong na lamang ba
Ang kaya kong gawin?
Kaya ko bang ipaglaban
Ang aking nararamdaman
Kung hindi mo rin naman alam
At ang puso mo'y
May iba namang laman?

***After a very long time, I'm now able to post again! Ayeeh!***